
May mga araw na pakiramdam ko'y minsa'y walang-wala.
At pagsapit ng gabing kulimlim, tila marami'y hindi nakakahalata.
Hawak ko lamang ang magagandang ala-ala mula sa pagkabata,
Na sa pagtanda'y unti-unti ko nang nakakalimutan, o pilit na kinakalimutan.
"Bakit?", ang siyang tanong...
Sa kadahilanang KAILANGAN ko itong iwanan.
Sa pag-iisa't pagkabigo, puso'y naghihingalo.
Na siyang tanging karamay ng kaluluwang patanong na palutang-lutang,
Sa hanging katutuhana'y pilit itinatago.
Minsan, sa aking pagkapuno, maliliit na bagay sa aking mga mata'y nakatago.
At kinakailangan huminto...hinto. pagmasdan. tingnan.
Ngunit sa huli'y nag-iisa pa rin...
Ako'y iniwanan...