kausapin mo ako
20 November, 2006
kailangan ko nang kausap. yung tipong maiintindihan ako. yung tipong makakarelate sa'kin. yung makapagbibigay sa'kin ng logical na mga kasagutan at kahit na patuloy akong magtatanong ay patuloy pa rin ang kanyang pagsagot. kailangan ko ng taong makakapagexplain sa'kin kung bakit nangyayari ang mga bagay-bagay. Yung makakapagbigay sa'kin ng haka kung bakit ganito ako magreact sa isang bagay. kailangan ko ng kausap na hindi sasabay sa ihip ng aking emosyon. siya ang magreregulate sa sidhi na nararamdaman ng puso ko. kailangan ko ng kausap na matiyagang makikinig sa'kin kahit na hindi niya ako halos maintindihan ngunit nageexert ng effort makuha ang aking ibig sabihin. kailangan ko ng kausap sa bawat panahong mangangailangan ako. Sa mga panahong may katanungang papasok sa isip ko. sa mga panahong, kahit sarili ko'y hindi ko maintindihan. kailangan ko ng kausap na sa isang tingin lang sa mga mata ko'y nababasa na niya ang lahat nga nais kong sabihin o hindi ko masabi. kailangan ko ng kausap sa bawat patak ng aking mga luha, sa pagkirot ng aking puso, at sa pagkahalo-halo ng aking isip. kailangan ko nga kausap na makakapagpalimot sa'kin sa kirot na nararamdaman. kailangan ko nga kausap para sabinhin sa'kin kung ano, para sa kanya ay tama. kailangan ko ng kausap na may isip na mas higit pa sa'kin para mas malawak ang kanyang makita. kailangan ko ng kausap na hindi kailangan din ng kausap. gusto ko, "stable" siya at ok physically, emotionally, spiritually, mentally. kailangan ko ng kausap upang maintindihan ko ng lubos ang sarili ko, at hindi yung mas makakagulo sa isip ko. gusto ko ng kausap na may paninindigan sa kanyang persepsyon tungkol sa buhay. nangangailangan ako ng kausap na makakapagpakita sa'kin sa mga kamaliang nagawa ko, sa mga bagay na ako'y pilit nakikisiksik, sa mga bagay na ako'y nagpupumilit na maging bahagi. na
once and for all sabihin sa'kin kung ano ba ang nararapat kong gawin. higit s lahat, KAILANGAN ko ng kausap na magsisilbing karamay ko sa mga panahong
feeling ko walang gustong umupo, makinig at makipag-usap sa akin.
even though i appear as if i understand everything, that i provide reasons for certainties and uncertainties, i too feel the need to question myself, my existence, my emotions, my dreams, my god, my purpose. in this limitless questioning journey, i often get tired of talking to my soul all alone, sometimes i create the urge to talk to another soul, but i am afraid that soul won't understand me, or that he will find me odd, or mystifying or mind bugling or even worthless and nonsense. i need someone to talk to... how ironic. in this world of 6.2 billion people, i can't find a single soul who will stay and be my listener. i only got myself.. but it's all so unreliable. tiring quest... indeed. KAUSAPIN MO AKO.
***************
i wont be using my fone that often from now on. i only reply to conversation texts only if i am unlimited or if i feel like replying but now, im strickly imposing the zero balance decree. (haha. whatever!) so don't be surprised if i will be silent for a long time... and.. zzzzz.... long time. you can however drop by messages here or email me if you want. thank you.
Blogged
@ 9:56 PM
Don't let me go -